BATANGAS — Tatlong Korean national na umano’y nagsasagawa ng diving activity ang nasagip matapos makitang humihingi ng saklolo at magkakakapit sa gitna ng karagatan sa pagitan ng Batangas at Mindoro nitong Agosto 11.
Dakong alas-5 ng hapon nang mamataan sila ng crew ng FastCat habang bumibiyahe mula Batangas Port patungong Calapan City.
Agad na nagmaniobra ang barko at ibinaba ang lifeboat para maisagawa ang pagsagip. Napag-alamang napalayo umano ang mga diver habang nasa Sabang, Puerto Galera at nawalan ng kanilang service boat.
Huminto rin ang dalawang dumaraang RORO ng Montenegro Shipping Lines upang maging handang tumulong kung kinakailangan.
Matagumpay na nailigtas ang tatlong diver at ligtas na nai-turn over sa mga kinauukulang awtoridad.
Source: Abante
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply