Advertisement

Binobola na lang tayo!

Gaganahan ka pa bang tumaya sa Lotto kung mayroong nagaganap na anomalya rito?Thank you for reading this post, don’t forget to subscribe!

Sa loob lamang kasi ng isang buwan ay mahigit P2.4 bilyong jackpot price na ang napalunan sa 11 na lotto draw.

Hindi ko na iisa-isahin pa pero ito ay talagang inisa-isa ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Coco’ Pimentel ang mga napanalunan sa mga naganap na Lotto draw.

Ilan nga rito ay ang 640M piso sa 6/49 Lotto noong Enero 16; 698M piso naman sa 6/55 Lotto noong Enero 17; at ang pinaka huli ay ang 45M jackpot price sa 6/45 Lotto noong Miyerkules lamang, Enero 24 at ito ang pinakamaliit na premyo sa nasabing lotto draw.

Bukod pa rito, tinamaan din ang P310M premyo sa Super Lotto 6/49 draw noong Disyembre 19, 2023.

Kaya naman, hindi maiwasan ng mga Senador ang magtaka kung sinu-sino ang mga nanalong ito at naganap lamang ito ng isang buwan? Naku! Naku! Mahaba-habang usapin ito at kailangang humarap ang mga taga PCSO at ang mga nanalo sa Lotto.

Noon pa ma’y itinanggi na ni PCSO General Manager Mel Robles na nagkaroon ng anomalya dahil hindi nila kayang manipulahin ang resulta ng lotto draw. Yun ang tingin nila, pero maayos pa nga ba ang makinarya o machine na kanilang ginagamit para sa pag-draw ng mga bola rito? O may iba pang dahilan kung bakit sunud-sunod umano ang mga nananalo?

Tingin ko, mukhang meron talagang hindi tamang nangyayari rito. Mukhang binobola na lang tayo ng Lotto.

Magbubulagbulagan ka ba o magpapabola ka na lang kahit batid mong hindi ka naman sigurado sa iyong sinusugal at aasa na lang sa swerteng matagal mo nang inaasam-asam. #TNRM


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading