Advertisement

๐—ฆ๐—” ๐—š๐—œ๐—ง๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—˜๐—ฆ๐—ข ๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—›, ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฌ: ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป?

๐˜•๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข-๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ.

Ang Trillion Peso March nitong Linggo, Setyembre 21, ay nagbigay pag-asa na maririnig muli ang tinig ng sambayanan laban sa mga garapal na politiko na nilustay ang buwis ng bayan. Ngunit sa halip na maging ganap na mapayapa, nasapawan ito ng kaguluhan na likha ng ilang kabataang tila hindi batid ang tunay na diwa ng pagkilos.

Sa Mendiola, sa Recto, nagkalasug-lasog ang imahe ng pagkakaisa matapos batuhin ng mga kabataan ang mga pulis, establisimiyento, at maging kapwa nagpoprotesta gamit ang bato, bote, at dumi. Bukod dito, mayroon pang nagpaputok ng baril sa gitna ng tensyong nagaganap. Hindi lamang ito pisikal na pananakit kundi malinaw na insulto sa tunay na ipinaglalaban natin. Ang karahasan, gaano man kaliit o kalaki, ay laging nagsisilbing mantsa sa isang kilusang dapat sanaโ€™y nagsusulong ng katarungan at pagbabago.

Dagdag pa rito, isang nakakabahalang insidente ang napanood ko mismo sa balitaโ€”isang reporter ng ABS-CBN ang halos itulak ng ilang kabataan habang nagbabalita on-cam. Isang malinaw na pahiwatig na ang ilan sa mga nakiisa ay hindi dumalo upang magbigay ng boses sa bayan, kundi upang manggulo at manakot. Kung ito ang uri ng partisipasyon na dadalhin sa ating mga protesta, paano pa natin maipapakita sa buong mundo na kaya nating ipaglaban ang tama sa mapayapang paraan?

Nakababahala rin na tila may mga grupong gumagamit ng kabataan para sa pansariling interes, maging ito man ay mula sa kaliwa o sa hanay ng mga tinatawag na DDS. Ang kanilang pag-uugali ay hindi lamang sumasalungat sa layunin ng pagkilos, kundi nagiging dahilan pa upang mabaling ang atensyon ng publiko sa kaguluhan, at hindi sa katiwaliang nais nating labanan.

Maging ang isang Madre na panig kay Duterte, na naghayag ng maayos na pananaw, ay hindi rin nakaligtas sa pangungutya ng kapwa niya tagasuporta. Ito ay patunay na ang ilang sektor ay mas pinipiling kumapit sa personal na interes at panatisismo kaysa sa mas malawak na laban para sa bayan.

Kung tutuusin, ang sentro ng ating pagkilos ay hindi lamang dapat nakapako sa pagpapatalsik sa isang lider o sa pagdidikit ng kulay sa ating paninindigan. Oo, may mga pagkukulang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngunit hindi rin natin dapat kalimutan na siya ang nagbukas ng usapin ng paniningil sa mga abusado sa kaban ng bayan. Hindi ito tungkol sa pagiging maka-DDS, maka-BBM, o maka-Pink. Ito ay usapin ng pagkakaisa para sa katarungan at pananagutan.

Ang laban natin ay hindi dapat magtapos sa mga kulay at partido. Ang tunay na laban ay nasa pagpapanagot sa mga tiwali, sa pag-alis sa kultura ng korapsyon, at sa pagtataguyod ng pagkakaisa.

Sa huli, ang tanong: pipiliin ba natin ang landas ng kaguluhan at pagbibitaw ng mga insulto, o ang landas ng maayos, marangal, at mapayapang laban? Sanaโ€™y mas manaig ang huliโ€”dahil ang katiwalian ay hindi natutuldukan ng karahasan, kundi ng pagkakaisa at tamang paninindigan. Nakakaawa ang ilan nating mga kabataang ‘di nila batid ang ating tunay na ipinaglalaban. #

Photo Source: https://www.facebook.com/marktwainhayden


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading