Advertisement

SONA 2023: Ating tutukan ang pinakamahalagang araw na ito

Sakabila nang masamang panahon dulot ng bagyong Egay at ang pagkansela ng mga klase sa lahat ng antas ng paaralan at trabaho sa mga government offices at ilang pribadong kumpanya. Ito ang araw na dapat huwag natin sayangin!

Ito ang pinaka mahalagang araw para sa mamamayang Pilipino upang saksihan ang mga ilalahad ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address 2023 (SONA 2023) na gaganapin mamayang hapon, alas-4:00, Hulyo 24.

Inaasahan ng taumbayan na matutumbok ni PBBM ang mga nakauuhaw na hinanaing ng ating mga kababayan, higit ang maralitang Pilipino kung saan ay marami ang umaasa sa mga ipinangako ng Pangulo noong panahon ng eleksyon na hanggang ngayon ay tila hindi ramdam. Inaasahan ng buong sambayanan na tuparin nito ang mga planong nagpabilog sa isipan ng mga ordinaryong mamamayan. Ang mga naging hakbangin nito laban sa Tsina sakabila ng mga pinag-aagawang teritoryo na sakop naman ng ating bansa. Ang pagpapalakas ng militar, ang paglilinis ng dungis sa kapulisan at sa gobyerno, ang pagsasagawa’t pagpapatuloy ng mga imprastrakturang sinimulan ng Administrasyong Aquino, na ipinagpatuloy naman ng Administrasyong Duterte at ang kasalukyang Administrasyong Marcos, at marami pang usapin.

Inaasahan ngayon ng maralitang Pilipino ang mga hakbangin sa pagpapalago ng mga trabaho, kakapusan sa pagkain, agrikultura, transportasyon, karapatan, at ang ating kalikasan sakabila nang sunud-sunod na mga bagyong dumadaan sa bansa at sa mga delubyong paparating.

Ito ang pagkakataon ng Pangulo na kanyang mailahad sa kanyang ikalawang SONA ang mga nagawa na ng kanyang Administrasyon. Asahan din na sana ay matatalakay ni PBBM ang mga sumusunod na plano at direksyon ng gobyerno sa aspetong ekonomiya, edukasyon, kalusugan, agrikultura, at foreign relations, at iba pa. Kung ito nga ba ay kanilang nagagampanan upang masabi ng taumbayan na pasado ang Pangulo!

Ito ay isang panawagan lamang na tayo ay makiisa at makisimpatiya sa mga ilalahad na mga plano at hakbangin ng Pangulo sa darating pa na mga taon ng kanyang pamumuno sa bansa. Ipagdasal natin ang kaayusan ng ating bayan at ang pagkakaisa upang matamo ang tunay na tagumpay ng ating bayan para sa mamamayang Pilipino sa makabagong Pilipinas. #RBM

Photo: https://www.facebook.com/groups/300227021245016/user/100068489607165/


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading