Advertisement

“Dumating na ang Bagong Pilipinas!” – PBBM

Ito ang mga salitang huling binitawan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa mahigit isang oras na pag-uulat nito sa kanyang ikalawang State of the Nation Address 2023 (SONA 2023) na ginanap sa Batasang Pambansa kaninang alas-4:00 ng hapon.

Maraming tinalakay si PBBM partikular na ang mga nagawa na ng kaniyang Adminisitrasyon; Una nga sa kanyang pambungad ay ang tungkol sa “Inflation.” Ang inflation ang pinaka nagpapahirap sa ating bansa ngayon at ito rin ang pinakamalaking hamon sa pagbangon ng maraming bansa. Aniya, hindi lang sa atin ramdam ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin bagkus maging ang ibang mga bansa rin ay dumaranas ng inflation. Kailangan daw dito ay ang mga istratehiya para mapalakas ang ating ekonomiya.

Ayon kay PBBM na nakikita ng maraming bansa na masigla ang ating ekonomiya, kung kaya’t ito raw ang tamang pagkakataon para mas mapalawig pa ang ating mga resources at hanapbuhay ng bawat Pilipino. Puspusan din ang pagpapalakas sa produksyon at imprastraktura na ang sentro ng mga planong ito ay ang ating mamamayan. Binida rin ni PBBM na maganda ang performance ng BIR, Customs, PAGCOR at PCSO.

Aniya, dahil sa pagsulong ng Kadiwa stores ay nakatulong umano ito na bumaba ang presyo ng ilang mga bilihin. Nasa 1.8M pamilya ang nakinabang sa kadiwa stores at ito ay planong palawigin pa ng Administrasyong Marcos. Bukod dito, dapat din ma-amyendahan ang fisheries code at ang cooperative code na sana ay mapagtuunan ng kongreso. Magpapatuloy din ang pagpapalawig ng mga imprastraktura sa bansa at ang pag implementa ng 1,200 kilometer Luzon Spine Expressway Network Program na magdurugtong sa Ilocos at Bicol regions.

Inilahad din ng Pangulo na ibibigay na ng gobyerno ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) emergency allowance para sa mga healthcare worker (HCW). Nasa P1.3B health emergency allowances (HEA) para sa mga private at public HCW ang inilabas ng DOH. Bukod dito, maaari na ring makapag-dialysis ang ating mga kababayang higit na nangangailangan nito. Binalaan din ni PBBM ang mga agricultural smuggler at hoarder na bilang na ang kanilang mga araw para panagutin ang mga ito sa batas. Ilan pa sa mga nabanggit ni PBBM ay ang pagpapatibay ng “rules of law,” at marami pang iba.

Sa lahat ng mga inilahad ni PBBM ay tila maraming mambabatas ang dismayado sa kanyang pag-uulat dahil sa umano’y hindi naman talaga nasolusyonan o nagampanan ng maayos ang mga ipinangako umano ng Pangulo sa una nitong SONA noong nakaarang taon. Isa na nga dito ay ang walang kasiguraduhang pagbaba ng presyo ng bigas sa bente pesos per kilo, ang pabago-bagong presyo ng gasolina sa bansa na ang higit na naaapektuhan ay ang mga pasahero na sa kanila ipinapasa ang dagdag-pasahe, ang mga usaping pilit na isinasantabi gaya ng war-on-drugs, ang soberanya sa west philippine sea at iba pang mahahalagang usapin.

Dumating na nga ang bagong Pilipinas sa makabagong panahon ngunit ang mga pinagdadaanan nating problema ay tila hindi nagbabago, tila dumarami lang ito at hindi nasosolusyonan. Lalo na ang problema tuwing tatama ang mga delubyo sa bansa, ang problema sa edukasyon na siyang pinakamalaking kinahaharap ng mga guro, ng mga mag-aaral at ng bawat magulang. Kakulangan pa rin ng trabaho at ang diskriminasyon sa mga manggagawa. Tila hindi na tayo nakakawala sa paulit-ulit na mga problemang ito. Usad pagong pa rin tayo.

Bilang isang mamamayan sa bansang Pilipinas, inaasam ko rin ang pagbabagong pagkilos sa lahat ng sektor o ahensya ng pamahalaan upang matamo ang tagumpay na hinahangad nating lahat. Sana ay matupad ni PBBM ang pangarap ng bawat Pilipino sa pangarap na kanyang pilit na binububo para sa lahat at para sa bayan. Hindi dito natatapos ang lahat. Simula pa lamang ito ng mas marami pang usapin na ating kakaharapin. Ito na ang bagong hamon para sa bawat Pilipino sa bagong yugto ng ating mahal na Pilipinas. #RBM

Photo: Facts Firts / Christian Esguerra


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading