Ang pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla hinggil sa kaguluhan sa Mendiola nitong Setyembre 21 ay dapat seryosohin ng sambayanan.
Ayon sa kalihim, may mga kabataan umanong binayaran ng tig-P3,000 upang lumikha ng gulo, at higit pa, ay sinabihan pang sunugin ang Malacaรฑang kung sakali.
Nakakabahala ang ganitong kilos-protesta. Kung itoโy totoo, hindi lamang batas ang nilalabag kundi pati kinabukasan ng kabataan ay isinusuong sa kapahamakan. Paano pa magiging pag-asa ng bayan ang kabataan, kung sila ay nagiging kasangkapan ng mga makapangyarihang nagtatago sa anino ng pera at kaguluhan?!
Hindi ito simpleng isyu ng disiplina; ito ay malinaw na pang-aabuso sa kahinaan at kahirapan ng ating lipunan. Higit ang mga kabataan.
Ngunit mahalagang tanungin: Bakit madaling mahikayat ang ilan na sumama sa ganitong gawain? Ang sagot ay nakaugat sa lumalalang kawalan ng tiwala sa gobyerno at sa malalim na problema ng kahirapan. Sa halip na resolbahin ang ugat ng hinaing ng mamamayan, tila mas mabilis sisihin ang kabataang nahulog sa bitag ng mga nasa likod ng kaguluhan.
Ang higit na kailangang bantayan ngayon ay ang mga utak ng operasyon. Sino ang nagpondo? Sino ang nag-utos? At sino ang tunay na nakikinabang sa kaguluhan? Hanggaโt hindi ito malinaw na masagot, paulit-ulit lang na mabibiktima ang mga kabataan at mauulit ang parehong eksena ng kaguluhan.
Panahon na upang igiit ng bayan na ang pulitika ay hindi dapat ibatay sa apoy at bayad na kilos, kundi sa tunay na diyalogo at reporma. Dahil kung ang kabataan ay patuloy na gagamitin bilang mga tau-tauhan sa lansangan, baka sa huliโy hindi na lang Mendiola ang masunog, kundi pati ang kinabukasan ng ating bansa. #RBM
CTTO




Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply