Itinutulak ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang panukalang batas na magtatakda ng limang taong termino para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK), sa halip na kasalukuyang apat na taon.
Ayon kay Escudero, layunin ng Senate Bill 2387 na wakasan ang paulit-ulit na pagpapaliban ng barangay at SK elections at maiwasan ang pagsabay nito sa pambansang halalan.
“My bill does not extend. My bill fixes,” pahayag ng senador sa pagdinig ng Senate Committee on Local Government.
Nilinaw niya na bagama’t maaaring maapektuhan ang iskedyul ng susunod na eleksyon, ang pangunahing layunin ng panukala ay ang magtakda ng malinaw at nakapirming termino.
May probisyon din ang panukala para sa maayos na transisyon upang matiyak na walang opisyal ang makikinabang sa anumang extension ng termino.
Sa ilalim ng panukala, inaasahang mas makakapagpokus ang mga lokal na lider sa pangmatagalang programa, disaster response, at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad. #RPB
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply