MANILA — Nanawagan si Senate Impeachment Court Presiding Officer Francis Escudero sa mga abogado ng magkabilang panig na huwag hayaang lumala ang tensyon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ginawa ni Escudero ang panawagan matapos magkaroon ng mainitang palitan sina House private prosecutor Lorna Kapunan at defense counsel Kristine Ferrer habang tinatanong ang witness na si Xylene Mae del Campo.
Biro naman ni Kapunan na pinipigilan niyang “bigyan ng spanking” si Ferrer, na nagdulot ng tawanan sa loob ng impeachment court.
Samantala, iginiit ng prosecution na si Vice President Duterte lamang ang makapagbibigay ng buong paliwanag sa alegasyon tungkol sa paglipat ng confidential funds sa mga security personnel.
Ayon sa prosecution, sinabi sa House investigation na nailipat ang cash advances para sa confidential funds ng OVP at DepEd sa mga security officer, na umano’y taliwas sa umiiral na mga patakaran. #
Photo source: ABOGADO
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply