Advertisement

FPRRD kay VP Sara: “Go Home…Don’t Leave the Country”

Hinabilinan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte na huwag iwanan ang Pilipinas at manatili sa bansa, sa kabila nang mga kaso at hamon na kinahaharap ni dating Pangulong Duterte sa nagpapatuloy na pagharap sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay VP Sara Duterte, inutusan siya ng kanyang ama na huwag iwanan ang bansa at manatili sa Pilipinas para sa sambayanang Pilipino.

“Hindi ko siya [FPRRD] iiwan hangga’t may dumating na kamag-anak namin para samahan siya,” pahayag ni VP Sara sa isang interbyu.

“Nasa mabuting kalagayan naman si Ex. President [Duterte]. At nami-missed na niya ang Filipino food…Paulit-ulit niya ring sinasabi sa akin na, bumalik na ko ng bansa, ‘wag ko iwanan ang Pilipinas,” dagdag pa ni VP Sara.

Aniya, sinabihan din ni VP Sara ang kanyang Ama na inihahanda na niya ang legal team, at kaya naman niyang magtrabaho remotely kahit wala siya sa ‘Pinas.

Hinahanda na rin niya ang mga kinakailangang ligal na hakbang upang mabigyan ng access authority ang ilan sa kanilang pamilya patungong Netherlands, kung saan kasalukuyang naroon si FPRRD.

Matatandaan na binigyan ng travel authority si VP Sara Duterte hanggang Abril 30, 2025, na magagamit niya sa ibang bansa. #RBM

News Source: Manila Standard


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading