Lumabas na naman ang mga kahina-hinalang mga pangalan na tumanggap ng bahagi sa P612.5-M confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V, nadiskubre nila ang mga bagong pangalan na nagpatibay sa alegasyon ng hindi tamang paggamit ng nasabing pondo.
“Una, may chichirya at cellphone. Ngayon, may prutas at kamote na. At higit sa lahat, mukhang ‘Dodong Gang’ na ito! Hindi lang isa, hindi lang tatlo—limang Dodong ang nasa listahan,” ani Ortega.
Kasama sa mga bagong nadagdag na pangalan ang “Jay Kamote,” na may kahawig na pangalan ng isang root crop, at “Miggy Mango,” na kamukha ng isang prutas.
Bukod dito, natuklasan din ang limang indibidwal na may pangalang “Dodong,” na sina Dodong Alcala, Dodong Bina, Dodong Bunal, Dodong Darong, at Dodong S. Barok.
Ang mga ito ay nakatanggap umano ng confidential funds batay sa mga ebidensyang nakalap ng House prosecution team na naghahanda sa nalalapit na impeachment trial sa Senado. #RBM
News Source: Pilipino Star Ngayon
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply