Tulala at gulat na ipinamukha sa ating lahat ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang ito ay magbigay ng kaniyang talumpati sa “Hakbang ng Mausig Leaders Forum” prayer rally na ginanap sa Davao City nitong nakaraang linggo, Enero 28, 2024.
Maaanghang na mga salita’t patutsada ang binitawan ni Duterte laban kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Tinawag ni Duterte si Bongbong Marcos na ‘Bangag na Pangulo,’ ‘drug-addict; at kapag pinilit ni Marcos ang kaniyang gusto [kung anuman ‘yun] ay maaari itong magaya sa kaniyang ama na pinatalsik ng taumbayan.
Bukod dito, may patutsada rin si Duterte kay First Lady Liza Marcos at Housespeaker Martin Romualdez ukol sa pag-amyenda ng saligang batas.
Maraming mambabatas ang nagtaka lalo na ang mga nagsusulong ng People’s Initiative kung bakit ganito ang sinasambit ni Duterte na alam naman natin na siya rin ang isa sa mga nagsusulong ng pederalismo sa ating bansa noon.
Tila hindi na bago ito sa mga pumipigil sa pagsulong ng cha-cha na may motibo ang dating pangulo kung biya kinakalaban si Marcos kahit na magkaibigan naman ang mga ito ay sila-sila na rin ang naglalaban-laban. Political tactics lang ang lahat ng ito dahil may kaniya-kaniya silang motibo. Papalapit na tayo sa exciting part!
Sinabi naman ng ilang mambabatas na tactics ito ni Duterte para malihis ang mga kasong kinahaharap nito sa ICC (International Criminal Court) at mabaling ang atensyon kay Marcos at lituhin muli ang taumbayan. May balita rin kasi na nakapasok na ang isa sa mga miyembro ng ICC sa bansa para usigin ang usapin sa war-on-drugs ni dating Pang. Duterte.
Dahil sa mga akusasyong ito ay nagsalita ang PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) na wala umano sa listahan ng mga suspect ng drug users ang pangalan ni Pangulong Bongbong Marcos kahit noon pa man at maging sa kasalukuyan.
Bukod kay Duterte, maging ang anak nito na si Mayor Baste Duterte ay may mensahe kay Bongbong Marcos na mag-resign na, dahil ang tinatrabaho nito ay hindi umano para sa bayan at mamamayan.
Agad namang tinugunan ni Romualdez ang mga patutsada ng pamilya Duterte na tigilan na ang paninira kay Marcos at sa mga plano nilang pagbabago para sa bayan. Base-less umano ang lahat ng mga ipinupukol ni Duterte. Tila tahimik lamang din si VP Sara Duterte sa usaping ito at hindi pa niya nakakausap ang kaniyang ama at ang kaniyang kapatid.
Maging si Bongbong Marcos ay may patutsada rin kay Tatay Digong na magpa-check up ulit sa kanyang attending physician dahil umano nasosobrahan na ata ng pag-intake ng Fentanyl na gamot si Duterte kung bakit ganun din ka-high ang paninira niya kay Marcos. Para silang mga batang yagit na nag-aaway dahil hindi lang napagbigyan ang kanilang mga gusto. Ano kaya ‘yun?!?
Mahirap talagang patunayan ang isang alegasyon kung puro satsat lang ang ating kayang ibato. Mainam siguro kung may maipakitang ebidensya ang dating pangulo laban kay Marcos. Mahaba-habang usapin ang tatahakin pa nito para mapatunayan ang lahat ng malabong alegasyon ni Tatay Digong kay Bongbong. At kung anuman talaga ang motibo ng dating pangulo at ang motibo ng kasalukuyang administrasyon ay malalaman din natin ‘yan sa takdang panahon ika nga. Alam na this! #TNRM
Photo credit
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.











Leave a Reply