Advertisement

STUFFED TOY AID NI BBM KINUWESTIYON NI KIKO BARZAGA; KITTY DUTERTE MAY BANAT DIN

Kinuwestiyon ni dating Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ang umano’y pamamahagi ng stuffed toys sa ilang pamilyang naapektuhan ng baha ni Pangulang Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at maging si Kitty Duterte may banat din.

“Yakapin na lang at itabi para sa susunod na baha?” ani Barzaga, na tila kinuwestiyon kung angkop ang naturang uri ng ayuda sa mga biktima ng matinding pagbaha na nangangailangan ng pagkain, tubig, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan.

Samantala, nagpahayag din ng patutsada si Kitty Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng stuffed toys na umano’y ipinamahagi sa mga naapektuhan ng baha.

Sa isang post, sinabi ni Duterte: “Dear BBM, last baha namigay ka ng stuffed toys, ayon nabasa lang ulit ngayon. Pwede next time life vest na lang? Para may pakinabang ka namang hyp.”

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon online ang magkahiwalay na pahayag, habang pinag-uusapan ng publiko ang uri ng tulong na dapat ipamahagi sa mga pamilyang sinalanta ng pagbaha ngayong nagpapatuloy ang pinalakas na Habagat sa malaking bahagi ng bansa.

#DiyaryoMilenyo


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading