MANILA — Patuloy na pinag-aaralan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang mga panukalang batas na naglalayong ipagpaliban o i-reschedule ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Committee Chairperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, titiyakin ng komite na ang anumang desisyong gagawin ay hindi maglalagay sa Commission on Elections (COMELEC) sa mas mahirap na sitwasyon, lalo na sa usapin ng paghahanda at pagpapatupad ng halalan.
Binigyang-diin din ni Adiong na magiging maingat ang Kamara sa pagtalakay ng mga panukala upang maiwasan ang mga posibleng legal na isyu na maaaring umabot muli sa Korte Suprema. Aniya, mahalagang matiyak na ang anumang hakbang na gagawin ng Kongreso ay naaayon sa batas at hindi magdudulot ng panibagong kontrobersiya.
Samantala, nagpapatuloy naman ang COMELEC sa mga preparasyon para sa nakatakdang BSKE habang hinihintay ang magiging resulta ng mga deliberasyon sa Kongreso kaugnay ng panukalang pagpapaliban ng halalan. #RPB
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply