Dear Readers: Walang masamang timpla sa tema ng pelikulang ito, kaso tila hindi angkop ang titulo ng pelikulang ito para sa mga manonood higit sa mga Kabataan at Religious group at maging sa banal nating Bibliya at kung paano isalarawan ang imahe ni Satan sa istoryang ito. ‘Wag pong masamain, Concern lang po ako!

Kamakailan ay naglabas ng full trailer ang Mavx Production Inc., ang production company ng pelikulang “Dear Satan” na sa pagkakaalam ko ay kabilang din ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Matapos mapanood ito ng netizens all throughout social media and other digital platfoms ay agad itong pinutakte ng samu’t saring reaksyon at komento dahil sa titulo palang ng pelikula ay negative vibes na ang mararamdaman mo at kung paano isalarawan ang imahe at karakter ni Satan dito na tila pwede siyang maging kaibigan o sandalan sa oras ng iyong kalungkutan.
Dahil sa pangyayaring ito, agad namang naglabas ng pahayag ang Mavx Productions Inc. nitong Agosto 23. Agad na humihingi ng paumanhin ang pamunuan nito sa lahat ng manonood kung ito man ay nagpapakita ng hindi kongkretong pagpapahayag ng imahe ni Satan at sa naging titulo ng pelikula. Na tila nabago ang imahe ni Satanas at naging mabuti ito sa huli. Na tila nakadama ito ng damdamin na gaya rin sa isang ordinaryong tao.
Pinagbibidahan ni Paolo Contis ang pelikulang ito bilang ‘Satan’, Sienna Stevens at Aya Fernandez. Sentro ng pelikulang ito ang “power of faith” kung saan ay ipinakikita rito na ang kabutihan ang laging mananaig laban sa kasamaan. Ipinakikita sa pelikulang ito ang pagiging light positive ni Satan kung paano niya makukumbinsi ang isang bata sa kanyang paghahangad na makuha ang loob nito at ang kaluluwa ng bata para sumama sa kanyang maitim na balak. Ang pagpili ba sa pamilya o mga materyal na bagay sa mundong sopistikado, at ang pakiramdam na nag-iisa sa mundo.
Matapos kong mapanood ang full trailer ng pelikulang ito, talaga namang namangha ako sa kung paano ito nabuo at hindi ko naramdaman masyado ang pagiging masama ni Satan sa katauhan ni Paolo Contis. Wala na sanang masama pagdating sa pagbuo ng konsepto ng pelikulang ito, ngunit sa kung paano ipinakita rin ang pagiging cool ni Satan at ang titulo ng pelikula ay hindi angkop para sa kaisipan ng mga Kabataan na tila pwedeng maging tropa o kaibigan si Satan? (Sa isip ng mga kabataang manonood). Kaya ito rin siguro ang pagtingin ng ilang nakapanood na ng trailer dahil hindi umano angkop ang representasyon ni Satan dito sa totong Satan na alam natin na kailanman ay hindi gagawa o makakaramdam ng damdamin ng isang ordinaryong tao. Sa totoo lang tila nabago ang karakter ni Satan dito na parang naging mabuti siya. ‘Yun ay base lamang sa trailer na ipinakita, hindi naman natid batid kung nagpapanggap lang ang Satan dito na siya ay naging mabuti sa buong pelikulang ito. Concern lang din ako!
Tila nakalimutan ng production company nito, kung paano nila dapat ipakita ang tunay na kahulugan ng kwentong ito. Tila makakasagasa talaga ito sa iba’t ibang relihiyon, mga paniniwala at maging sa ating banal na bibliya. Higit sa lahat, ang titulo ng pelikulang ito ay hindi naaangkop para sa mga bata at Kabataan sa kasalukuyang panahon.
Sa totoo lang, napakaganda ng konsepto ng pelikulang ito. Pwede naman talagang baguhin ng production team ang titulo ng pelikulang ito at baguhin ang karakter ni Satan bilang isang tao na hindi kailanman nakaranas ng pagmamahal sa kanyang pamilya at mga kaibigan ngunit may kakayahang baguhin ang iyong prinsipyo sa mapanuksong mundo. Huwag lang gamitin ang ngalan ni Satan na magke-create ng kalituhan sa tunay na imahe nito para sa mga kabataan sa bagong henerasyon.
Mahalaga ang pagbuo ng istorya, ang bawat karakter na siyang bubuo sa magandang kwento nito at magiging bahagi ng buhay ng manonod sa kung anumang aspekto ng pagpapalabas ng bawat karakter nila na magmamarka sa isipan ng bawat manonood sa matagal na panahon. Maganda ang konsepto ng pelikulang ito at mahuhusay ang mga gumaganap sa bawat karakter nilang pino-portray, kaya marapat na ito ay ipalabas sa mga sinehan at sa iba’t ibang digital platforms ngunit kailangan munang ikonsidera ang damdamin, saloobin, paniniwala ng bawat relihiyon na may malaking impact ito sa moralidad, pagkatao, at paniniwala ng bawat manonood.
Dear all! Gayunpaman, nais kong batiin ang bawat cast ng pelikulang ito. Kuddos everyone! Excited kami na mapanood ito sa sinehan. #RBM
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.











Leave a Reply