Advertisement

Acidre, Nanawagan ng Mas Mahigpit na Pananagutan ng Digital Platforms sa Kaligtasan ng mga Bata

NANAWAGAN si Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na palakasin ang pananagutan ng mga social media companies, online gaming platforms at iba pang digital services sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga batang Pilipino.

Ayon kay Acidre, chairman ng House Committee on Higher and Technical Education, hindi lamang mga insidenteng nagaganap sa loob ng paaralan ang dapat pagtuunan ng pansin kundi maging ang “digital spaces” kung saan malaking bahagi ng oras ng mga kabataan ang ginugugol.

Binigyang-diin ng mambabatas na hindi dapat basta sisihin ang social media at online games bilang pangunahing sanhi ng karahasan. Gayunman, sinabi niyang hindi rin dapat ipagsawalang-bahala ang impluwensiya ng digital platforms, lalo na ang posibilidad na malantad ang mga menor de edad sa mapanganib at hindi angkop na content.

Iminungkahi ni Acidre na pag-aralan ng Kongreso ang pagbuo ng Social Media and Digital Safety Act, na magtatakda ng malinaw na “duty of care” para sa mga social media companies, online gaming platforms, livestreaming services at iba pang digital platforms na malawakang ginagamit ng mga menor de edad.

Kabilang sa mga iminungkahing safeguard ang mas mahigpit na age verification, mas ligtas na privacy settings, limitasyon sa pakikipag-ugnayan sa mga hindi kakilala, paghihigpit sa location sharing, parental controls sa access at screen time, at mga hakbang upang makontrol ang online spending ng mga bata.

Iginiit din ni Acidre na bagama’t mahalaga ang papel ng mga magulang, paaralan at pamahalaan sa paggabay sa mga kabataan, hindi dapat doon nagtatapos ang pananagutan.

Aniya, dapat ding magkaroon ng malinaw na responsibilidad ang mga kumpanyang kumikita mula sa atensyon, aktibidad at paggastos ng mga kabataang Pilipino sa kanilang mga digital platform. #RPB

Source: People’s Taliba


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading