Advertisement

UPDATE: 2 Estudyante Patay sa Pamamaril sa Ateneo De Zamboanga

ZAMBOANGA CITY — Dalawang estudyante ang nasawi sa insidente ng pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga High School campus sa Barangay Tumaga nitong Martes ng umaga, ayon sa mga awtoridad.

Kinilala ng pulisya ang isa sa mga nasawi bilang Grade 9 student na umano’y suspek sa pamamaril.

Ayon sa ulat, nagdala ito ng baril at rifle sa paaralan at nagpaputok sa loob ng isang silid-aralan bago magsimula ang klase.

Sa isinagawa na media briefing, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na dalawang baril ang naipasok ng suspek sa campus at umano’y kinukunan pa nito ng video ang kanyang mga kilos habang isinasagawa ang pag-atake.

Natagpuan ang bangkay ng hinihinalang suspek sa pasilyo ng ikalimang palapag ng gusali, habang ang isa pang estudyante na tinamaan ng bala ay natagpuang patay sa ibabang palapag.

Sa video na nakuha ng ABS-CBN News, makikitang nagtatakbuhan palabas ng gusali ang mga estudyante habang maririnig ang isang putok ng baril sa likuran.

Kinumpirma ni Zamboanga City Mayor Khymer Olaso na kapwa estudyante ng paaralan ang nasawing biktima at hinihinalang gunman.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye at motibo sa insidente. #RPB


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading