ZAMBOANGA CITY — Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan at motibo ng sinasabing suspek sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University–Tumaga Campus nitong Agosto 18.
Batay sa mga lumalabas na ulat, ang estudyanteng tinukoy bilang si “Nael” ay sinasabing nangunguna sa kanilang klase. Nagmula umano ang impormasyon sa isang dating social media post ng kaniyang pamilya na kalaunan ay nabura.
May ulat din na ang ama umano ng estudyante ay isang Customs police chief.
Gayunman, hindi pa opisyal na kinukumpirma ng mga awtoridad ang mga impormasyong ito, kaya nananatili itong bahagi ng isinasagawang imbestigasyon. Patuloy ding inaalam ang buong detalye at motibo sa likod ng insidente. #RPB
Photo screenshot: GO PHILIPPINES
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply