Advertisement

Robredo-Tulfo vs. Duterte-Marcos, Tabla sa Hypothetical 2028 Race

Nagtabla sa isang “statistical dead heat” ang hypothetical tandem nina Naga City Mayor Leni Robredo at Senador Raffy Tulfo at ang tambalan nina Vice President Sara Duterte at Senador Imee Marcos para sa posibleng halalan sa 2028, ayon sa pinakabagong survey ng OCTA Research.

Batay sa resulta ng second quarter 2026 Tugon ng Masa survey, nakakuha ng 45 porsiyentong suporta ang tandem nina Robredo at Tulfo para sa pagka-pangulo at pagka-bise presidente.

Samantala, 42 porsiyento naman ang nakuha ng tambalan nina Duterte at Marcos.

Ayon sa OCTA Research, ang pagitan ng resulta ay nasa loob ng itinakdang margin of error kaya itinuturing na “statistically tied” o halos magkapantay ang suporta ng publiko sa dalawang hypothetical na tambalan.

Isinagawa ang survey mula Hulyo 4 hanggang 11, 2026 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents sa buong bansa.

Mayroon itong ±3 porsiyentong margin of error.Hindi pa opisyal na inaanunsyo ng mga nabanggit na personalidad ang kanilang kandidatura para sa 2028 national elections, ngunit ipinakita ng survey ang kasalukuyang antas ng suporta ng publiko sa mga posibleng tambalan sa susunod na presidential race.


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading