Advertisement

Bagong 3-Storey School Building, Itatayo sa Bucal National Integrated School sa Maragondon

MARAGONDON, Cavite — Isang bagong 3-storey, 9-classroom school building ang itatayo sa Bucal National Integrated School (BNIS) matapos isagawa ang groundbreaking ceremony noong Agosto 12, 2026.

Pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Maragondon ang seremonya na dinaluhan nina Mayor Lawrence “Umbe” Arca, Board Member Jasmin Maligaya, Municipal Engineer Aldwin Ancayan, BNIS Principal Belinda Loyola, mga konsehal, at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan at paaralan.

Layunin ng proyekto na matugunan ang lumalaking bilang ng mga mag-aaral sa BNIS sa pamamagitan ng pagdaragdag ng siyam na silid-aralan at pagbibigay ng mas ligtas at maayos na kapaligiran para sa pag-aaral.

Ayon sa mga opisyal, patunay ang proyekto ng patuloy na pagbibigay-prayoridad sa edukasyon at kapakanan ng kabataan sa Maragondon. Inaasahan ding makatutulong ito sa pagpapabuti ng learning environment at pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga mag-aaral.

Ang pagtatayo ng bagong gusali ay isa pang hakbang tungo sa mas matatag na edukasyon at mas magandang kinabukasan para sa mga kabataan ng Maragondon. #RPB

Source: CAVITE CONNECT


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading