Mahigit 4 na toneladang hinihinalang “hot meat” ang nasamsam sa isinagawang inspeksyon ng National Meat Inspection Service (NMIS), katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Department of Agriculture–Inspectorate and Enforcement (DAIE), sa isang pampublikong pamilihan sa Dasmariñas City noong Miyerkules.
Ayon sa NMIS, ang mga nakumpiskang karne ng baboy, manok, at baka ay umano’y walang kaukulang dokumento at may nakitang mga paglabag sa wastong paghawak at pag-iimbak ng mga ito. Dahil dito, agad na kinumpiska ang mga karne at isinailalim sa tamang disposal process.
Pinaalalahanan ng NMIS ang publiko na bumili lamang ng karne mula sa mga lehitimong tindahan at tiyaking maayos ang kondisyon at dokumentasyon ng mga produktong kanilang binibili upang makatulong sa pangangalaga ng kalusugan.
Source: Cavite News Network
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply