Ayon sa Department of Health (DOH), umabot sa 426 ang bilang ng mga nasawi sa rabies mula sa mga hayop noong 2024, at pinangangambahan pang tumaas ito kasabay ng pagpasok ng tag-init.
Sa pagtatala, 45% ng mga kaso ay mula sa laway ng mga alagang hayop, at 41% mula sa mga hayop na hindi bakunado.
Kaya’t mahalaga ang pagiging handa at maagap sa pag-iwas at paggamot ng mga kagat o kalmot mula sa ating mga alagang aso at pusa.
Narito ang ilang hakbang upang maiwasan ang impeksyon ng rabies:
- Tiyakin na bakunado ang mga alagang hayop upang maiwasan ang impeksyong dulot ng rabies.
- Iwasan ang paglapit sa mga hindi kilalang hayop lalo na kung ito ay agresibo.
- Kung nakagat o nakalmot, hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at padaluyin ang tubig sa infected ng rabies.
- Kung hindi dumugo ang nakagat o nakalmot na sugat, ‘wag ito galawin. At kung ito ay dumugo, mainam na pisilin ng bahagya ang sugat at pununasan ang dumugong bahagi gamit ang malinis na bimbo.
- Kumonsulta sa pinakamalapit na health center o Animal bite and treatment center para sa malapatan ng lunas.
- #RBM
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply