Advertisement

Epekto ng Matinding Heat Index sa ating Kalusugan; Alamin ang mga Dapat Gawin

Sa harap ng matinding init na nararanasan natin ngayon, lalo na sa mga lugar na nasa ‘Danger level’ at ‘Extreme caution level,’ kung saan idineklara ang matinding init ng panahon nitong pagpasok ng unang lingo sa buwan ng Marso. Mahalaga na tayo ay mag-ingat at magsagawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang ating kalusugan. Narito ang mga simpleng tips para maiwasan ang epekto ng heat index.

1. Manatili sa malamlam na lugar

Kung maaari, iwasan ang paglabas tuwing pinakamainit ang araw. Pumili ng mga lugar na may aircon o sapat na lilim para maiwasan ang direktang sikat ng araw.

2. Uminom ng maraming tubig

Panatilihing hydrated ang katawan. Iwasan ang mga inuming may caffeine at alcohol dahil ito ay nakadaragdag ng dehydration.

3. Magsuot ng magaan at puting damit

Ang mga magagaan at puting damit ay nakakatulong na mapanatili ang temperatura ng ating katawan dahil mas kaunti ang init na nakakapit sa mga ito.

4. Magdala ng payong o sombrero

Protektahan ang ulo at mukha mula sa matinding sikat ng araw sa pamamagitan ng pagsusuot ng sombrero o pagbitbit ng payong upang maiwasan ang direktang pagtama ng init ng araw at pagkahilo habang naglalakad sa ilalim ng sikat ng araw. 

5. Iwasan ang matinding physical activity

Kung hindi naman kailangang mag-exercise o magtrabaho sa labas, iwasan ito tuwing pinakamainit ang araw. Ang pag-ehersisyo sa kasagsagan na mainit ang temperature ng panahon ay maaaring magdulot ng samu’t saring komplikasyon sa ating katawan lalo na sa mga matatanda. Gawin ang pag-eheresisyo tuwing alas 6:00 hanggang 7:00 ng umaga.

6. Sumunod sa mga heat advisory

Pakinggan ang mga abiso mula sa mga lokal na awtoridad tungkol sa heat warnings at advisory upang malaman kung kailan dapat mag-ingat at kung ano ang mga kinakailangang hakbang.

7. Regular na mag-check ng kalusugan

Kung ikaw o ang iyong pamilya ay nakakaramdam ng mga sintomas ng heatstroke tulad ng pagkahilo, pagsusuka, o pamumula ng balat, magpatingin agad sa doktor o humingi ng tulong. #RBM


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading