Advertisement

MGA DAPAT GAWIN NG MGA ESTUDYANTE NGAYONG MATAAS ANG HEAT INDEX AT WALANG PASOK SA MGA PILING LUGAR

Sa kabila ng hindi pagdeklara ng tuloy-tuloy na walang pasok sa mga paaralan sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa matinding heat index na tumama sa mga apektadong lugar nitong nagdaang linggo, patuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante sa pamamagitan ng online classes. Sa ganitong sitwasyon, mahalaga na malaman ng ating mga mag-aaral ang mga tamang hakbang at responsibilidad na dapat nilang sundin habang walang pasok.

  1. Manatili sa loob ng Bahay

Pinaka mainam na gawin ng isang estudyante ay pumirmi sa loob ng bahay. Tumulong sa mga gawaing bahay, at maglinis ng kwarto o mag-organize ng mga gamit para mapanatili ang preskong pakiramdam sa loob ng inyong tahanan.

  1. Magbasa ng libro o mag-aral

Kung wala namang pasok, maglaan ng oras para magbasa ng mga libro o mag-review ng mga leksyon. Mas madali rin kasing mag-concentrate kapag nasa isang cool na lugar, kaya’t magagamit ang pagkakataon upang maging produktibo.

  1. Mag-enjoy ng online hobbies o leisure activities

Subukan ang paggawa ng mga creative projects and activities tulad ng pagsusulat, pagguhit, o pagkanta habang nasa loob ng bahay. Pwede mo rin subukan mag-online games, panonood ng mga makabuluhan pelikula o streaming movies sa mga available online platforms. Magandang pagkakataon ito para mag-relax at mag-enjoy kasama ang pamilya.

  1. Mag-plano ng mga future activities o projects

Kung gusto mong maging productive kahit walang pasok, simulan ang pagpaplano ng mga susunod na projects sa school, o kaya maghanda ng mga ideas para sa mga future activities na maaaring magamit sa mga susunod na lingo.

  1. Matulog ng maaga at magpahinga

Kung puno ng activities ang araw, huwag kalimutan na magpahinga ng maaga. Ang isang magandang tulog ay makakatulong sa pag-recharge ng katawan, at magiging handa ka para sa susunod na araw ng school o ibang gawain.

Sa ganitong init, ang paggawa ng mga maliliit na tasks bilang responsableng mag-aaral sa panahon na walang pasok ay makakatulong para maging productive ang inyong araw. Samantalahin ang araw na walang pasok para magpahinga at maglaan ng oras para sa sarili.


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading