Advertisement

“Kaya Mabagal Magsalita si Tatay Digong dahil Hindi ibinibigay gamot niya” – Bong Go

Ibinahagi ni Senador Bong Go ang pinakahuling update tungkol kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa ginanap na prayer rally ng PDP-Laban na “Bring Him Home: A Prayer for Tatay Digong” noong Marso 15 sa Liwasang Bonifacio.

Ayon kay Go, nakuha niya ang impormasyon mula kay dating Executive Secretary Salvador Medialdea, na siyang legal counsel ni Duterte.

Ipinaliwanag ni Go na ang mabagal na pagsasalita ni Duterte sa pre-trial hearing ng International Criminal Court (ICC) ay maaaring dulot ng adjustment sa oras, pati na rin ng hindi pagbibigay ng kinakailangang gamot.

Nakaplanong magpamedikal sana si Duterte noong Marso 12 para sa kanyang pagpapa-drip, ngunit hindi ito natuloy.

Sa ngayon, nananatili si Duterte sa detention center ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands. #RBM


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading