Advertisement

TELLER SA SABUNGAN NA GINAHASA, PUMANAW NA!

Pumanaw na ang isang Teller ng sabungan sa Batangas City na biktima ng panggagahasa ng isang police vlogger, kung saan dalawang buwan nang comatose sa Intensive Care Unit ang biktima.

Kinumpirma ni Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police director, ang pagpanaw ng biktima na si Emielle Hernandez, isang teller ng sabungan ng Mr. Nice Guy Cockpit Arena sa Batangas.

Si Hernandez ay naging biktima ng panggagahasa ni Staff Master Sergeant Timothy Joseph Teejay Virtucio, na kasalukuyang nasa kustodiya ng Calabarzon police.

Matatandaan, noong Enero, nagtungo ang biktima kasama ang kanyang asawa at abogado sa San Jose police station upang magsampa ng reklamo laban kay Virtucio, matapos magpahayag ng takot at mga banta. Nagtungo rin sila sa isang psychiatrist sa Lipa City at doon ibinuyag ng biktima na ginahasa siya ng tinukoy na pulis kung saan naganap ang pangagahasa sa isang palayan sa Brgy. Banay-Banay, Lipa City. #RBM

News Source: Pilipino Star Ngayon


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading