Maanghang at nagbabaga ang ratsadahan ng mga salitang binibitawan nina Vice President Sara Duterte laban sa mga mambabatas tungkol sa kahilingan ni Duterte para sa “2025 Budget” hearing na naganap sa House of Representatives nitong Martes [Agosto 27], kung saan tinawag niya ang isang congresswoman na isang convicted criminal at hiniling na palitan ang vice chairman ng panel.
Sa pagdinig, tinanong ni ACT Teachers Rep. France Castro si Duterte hinggil sa paggamit ng P125 milyon bilang confidential fund noong 2022, kung saan kasama rin ang disallowance ng humigit-kumulang P73-milyon dahil sa “non-submission of documents” sa ulat ng Commission on Audit.
Kinumbinsi naman ng senior vice chairman at Marikina Rep. Stella Luz Quimbo na dapat sagutin ni Duterte ang pagtatanong ni Castro, dito na binanatan ni Duterte ang kaniyang tinawag na “convicted criminal” na ayon sa kanyang hawak na dokumentong “Talaingod 12” noong 2018 mula sa Davao court.
Pahayag pa ni Duterte na sasagutin niya lamang ang katanungan ukol sa 2025 budget at hindi ang confidential funds.
“The topic is the 2025 budget… Madam Chair, why are we discussing the 2023 budget and 2024?” saad ni Duterte.
“If she does not want to answer it, I will go through the questions. We questioned this P125 million as it is confidential, and it is in the people’s interests,” ani Castro.
Dahil dito, iminungkahi naman ni Duterte na palitan dapat ni Quimbo ang House Finance Committee chairman na pamunuan ang budget hearing na tila insulto ito kay Quimbo.
“You are not allowed to do that, madam Vice President; you are not allowed a motion; you are a resource person,” pahayag ni Quimbo ukol sa usaping confidential funds na may kaugnayan sa hinihinging 2025 budget.
Sinabi rin ni Duterte na walang ahensya ang may monopolyo sa mga serbisyo ng gobyerno.
“No office of the government should be so helpless as to deny assistance to a person in distress. After all, the duty of the government is to afford our countrymen with faithful public service,” pahayag ni Duterte.
Sinabi niya na ang kaniyang kontrobersyal na storybook, “Isang Kaibigan,” ay hindi isang political tool para sa kanyang pagtakbo sa 2028 elections, dahil isinulat lamang niya ito para himukin ang mga bata na mahilig magbasa at magsulat ng sarili nilang kwento.
Bukod dito, marami rin ang nakipagpalitan ng mga salita at paglilinaw ukol sa usaping badyet para sa susunod na taon. Hanggang sa pumasok na nga ang usapin ukol sa mga isyu at baho ng bawat kasapi sa nasabing hearing. Magulo at may mga nais patunayan ang magkabilaang kampo. Magpapatuloy pa rin ang usaping ito.
Samantala, ang Office of the Vice President (OVP) ay humihiling ng badyet na nagkakahalagang P2.037-bilyon para sa 2025, na may bahagyag pagtaas ito ng P1.8-bilyon ngayong taong 2024. Aniya, magbibigay umano ito ng daan para sa OVP na ipagpatuloy ang operasyon ng mga satelite office at extension office nito, gayundin upang matiyak ang tagumpay ng mga serbisyong panlipunan na ginagampan umano ng OVP. #RBM

Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply