Advertisement

Bagong PAGCOR logo, kinuyog ng komento ng netizens at mga eksperto

Sa mga sandaling ito, patuloy na kinukuyog ng komento at katatawan ng mga netizen dahil sa paglunsad ng bagong logo ng PAGCOR sa katatapos nitong launching ceremony kasabay ng pagdiriwang ng ika- 40 taon ng ahensya na ginanap sa Marriott Hotel Manila nitong Hulyo 11, Martes.

Bakit nga ba parang ang bilis ng transition ng pagpapalit ng logo ng naturang ahensya? Ano nga ba ang mayroon at ito ay kanilang pinalitan? At bakit nga ba ganun na lamang kamahal ang pagbabayad sa logo na iyon na aabot sa higit P3-M piso.

May paliwanang dyan ang pamunuan ng PAGCOR…

Sinabi nga ni PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco na ang bagong logo ay tumutukoy sa lakas, inspirasyon, pagsisikap, at transpormasyon sa lahat ng pinagdaanan ng ahensya.

“energy, inspiration, passion, and transformation” ani Tengco.

Sa isang pahayag ni Tengco, sinabi pa nito na, ” It symbolizes the flame that ignites change and drives progress. The logo likewise reflects a beacon which symbolizes guidance, leadership, and direction. It represents a guiding light that helps people find their way.” 

“All these taken together, our new logo reflects Pagcor’s long standing commitment of being a guiding foce that illuminates the way forward, drives transformation and development, and brings inspiration and motivation to the lives it touches,” dagdag pa ni Tengco.

Dahil sa kalat na ang logo na ito sa social media, hindi pa rin mapigilang maging tampulan ito ng malikot na pag-iisip ng mga netizen sa kakaibang disenyo na maihahalintulad umano sa logo ng Petron, noodles, panabong na manok, at may mga kumakalat di na iba’t ibang memes, at iba pa.

Isa na rin sa mga naglabas ng kakat’wang logo designs ay ang creator ng Tarantadong Kalbo na si Kevin Eric Raymundo.

“The design is very e-sabong (online cockfighting),” saad nito sa kanyang social media post.

Ayon pa sa mga eksperto, hindi katanggap-tanggap ang bagong logo ng Pagcor kung susumahin. Dahil sa tila hindi ito napag-isipan ng husto. Given ang idea na nais tumbukin ng Pagcor ngunit hindi kongkreto ang nais iparating ng naturang logo. Ika nga ng iba, a logo is not a brand.

Bilang dating Copywriter sa Advertising agency taong 2013-2015, marami na akong na-encounter na mga logo sa mga client na siniserbisyohan namin noon. Maging ako man ay may mga sariling client na nagpapagawa ng logo sa mga kakilala kong Graphic Designer. Naipamamalas nila ang kanilang husay sa paggawa ng logo at nagugustuhan ito ng mga kliyente. At never akong naka-encounter na ganyang kalaking halaga ng logo. Minsan nga P500 – P1,500 lang ang presyohan sa paggawa ng logo ang binabayad ng kliyente madalas pa nga pahirapan pa sa disenyo at kelangan pa i-revise without any additional fee. Kaya hindi talaga katanggap-tanggap yung presyo at disenyo ng logo na ito.

Marami rin ang nagsasabi na walang kahirap-hirap sa paggawa ng bagong logo ng Pagcor dahil kaya naman itong gawin sa mga free downloadable application na available sa smartphone na hindi gagamit ng kung anu-ano pang special effects or features para mag-create ng logo.

Sa totoo lang, hindi maitatago ng logo na ito na may korapsyon na nagaganap sa ahensya. Mas marami aniya ang dapat tutukan ang gobyerno kaysa sa pagpapalit ng logo ng PAGCOR. Panigurado kahit sino naman ay magtataka di ba? Kaya, huwag po sasama ang inyong loob mga sir/maam kung napupuna ang inyong galawan. Kapuna-puna naman kasi talaga at ang sarap gawan ninyo ng logo with a seal. #RBM


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading