Advertisement

KAMPANYA SA PANDEMYA

Tila nagsusulputan na ang mga nabubuong “political tandem” ng mga malalaki at makapangyarihang politiko sa bansa sa nalalapit na 2022 Eleksyon.

Kaliwa’t kanang pagpupulong at pagbisita sa mga kilalang personalidad sa iba’t ibang sulok ng bansa para umanib sa kanilang mga plataporma ng pagbabago na ilalatag sa araw ng kampanya. Mas umiinit ang usaping politika ngayon dahil sa samu’t saring mga kaganapan sa senado gaya kay Sen. Manny Pacquiao, at ang kinaaaniban nitong partidong PDP-Laban na tila etsapwera na sa partido dahil sa hangarin ni Pacquiao na ilahad ang korapsyon sa hanay ng administrasyong Duterte.

Ani Pacquaio, hindi niya kinakalaban ang Pangulo samakatuwid ay tinutulungan niya ang Pangulo na mapaalis ang mga korap sa hanay ni Duterte.

Halos dalawang buwan na lamang ay magsusumite na ng Certificate of Candidacy (CoC) ang mga politikong nagbabalak na tumakbo sa kani-kanilang nais upuan.Paano nga ba ang gimik ngayon na gagawin ng mga politiko sa pagtakbo sa darating na halalan? Kahit na ang mantra ngayon ng lahat ay huwag mamolitika sa panahon ng pandemya at kalamidad.

Ayon sa isang ekperto, sa ganitong sitwasyon, llyamado umano ang mga nasa poder o kung sino ang nakaupo sa kasalukuyan. Sapagkat, hawak nila ang poder, saklaw ang kanilang nasasakupan, at hawak nila ang resources sa gobyerno. Ngunit, kontrolado pa rin ang cycle na ito ng administrasyon.Ngayon ay tila mahahati ang boto ng taumbayan dahil sa marami ang nais tumakbo sa darating na halalan 2022. Nagkakagulo ang ibang partido lalo na ang PDP-Laban.

Kahit na hindi pa naman nagpapakilala ang karamihan sa mga naghahangad na tumakbo ay kapansin-pansin na rin ang kanilang mga galawan.

Tila walang magbabago sa magiging istratehiya ng mga politiko kung paano sila gagawa ng kanilang kampanya ngayong may pandemya. Lalo na, hindi na tanggap ng mamamayan ang mga galawang pagtulong ng mga nanunungkulan na ibalandra ang kanilang mga mukha sa pamamagitan ng political ad campaigns at iba pang paraphernalia at ang traditional tactics sa nalalapit na kampanya ng mga tatakbong politko.

Sakabila nang mga usaping ito, ang taumbayan pa rin ang pipisil sa kanilang mapipiling iboto sa darating na eleksyon 2022. Mananaig pa rin sa taumbayan ang mga nakatulong sa lahat at kung ano ang mga nagawang kaayusan, pagbabago at kung paano natin hinaharap ang nagpapatuloy na pandemya sa bansa. ‘WAG KUKURAP SA ELEKSYON 2022. (RBM/HinuhaAtBalita)


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading