Advertisement

Mitsubshi Motors, Nagbukas ng Bagong Dealership sa Silang, Cavite

SILANG, CAVITE — Pinalawak ng Mitsubishi Motors Philippines Corp. (MMPC) ang dealership network nito sa Cavite matapos buksan ang Mitsubishi Motors Silang, isang full-service facility na matatagpuan sa E. Aguinaldo Highway, Barangay Lalaan 1st.

Pinapatakbo ang bagong dealership ng Mizukawa Motors Corp. (MZM) at ito na ang ikalawang Mitsubishi Motors facility ng kumpanya sa Cavite.

Nasa 1,700-square-meter ang gusali na itinayo sa 4,000-square-meter property. May kapasidad itong magpakita ng hanggang anim na sasakyan sa showroom at mayroon ding anim na service bays para sa maintenance at iba pang after-sales services.

Magkakasama sa iisang pasilidad ang sales, vehicle servicing at spare parts operations upang mas mapadali ang serbisyo para sa mga customer.

Ayon sa MMPC, layunin ng bagong dealership na mapalawak ang kanilang serbisyo sa Silang at mga kalapit na lugar, lalo na’t patuloy ang paglago ng residential at commercial developments sa Cavite corridor.

Sinabi ni MMPC President and CEO Ritsu Imaeda na ang pagbubukas ng dealership ay bahagi ng kanilang commitment na palakasin ang network sa mga lugar na may mataas na potensyal para sa paglago.

Aniya, nais nilang matiyak na mas madali at mas maginhawa para sa mga customer ang pag-access sa mga bagong sasakyan ng Mitsubishi Motors at mga after-sales service.

Bukas ang Mitsubishi Motors Silang mula 8:00 a.m. hanggang 6:00 p.m., Lunes hanggang Sabado, at 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. tuwing Linggo.

Source: The Manila Times


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading