Advertisement

19 School Buildings, Naipagawa at Itinatayo sa Loob ng Isang Taon sa Silang

SILANG, CAVITE — Umabot na sa 19 school building projects ang naipatupad sa Silang sa loob lamang ng isang taon, bilang bahagi ng programa ng pamahalaang bayan upang mabigyan ng mas maayos, ligtas at komportableng lugar ng pag-aaral ang mga kabataan.

Sa kabuuang bilang, 12 school buildings na ang ginagamit, habang pito naman ang patuloy na itinatayo sa iba’t ibang paaralan sa bayan.

Kabilang sa mga paaralang mayroon nang bagong gusali ang Bulihan Sites & Services Project Elementary School, Sabutan Elementary School, Munting Ilog Elementary School, Balite 1st at 2nd Elementary School, Kaong Elementary School, Pulong Bunga Elementary School, Bliss Elementary School, Pasong Langka Elementary School at Tibig Elementary School.

Patuloy naman ang konstruksyon ng mga bagong gusali sa Inchican, Maguyam, Paligawan, Lumil, Kaong National High School, Puting Kahoy Elementary School at Emilia Ambalada Poblete Integrated National High School.

Ayon kay Mayor Gen Ted Carranza, patuloy na prayoridad ng pamahalaang bayan ang pagpapagawa ng mga school building upang mabigyan ang mga mag-aaral ng mas maayos, ligtas at komportableng lugar para sa pag-aaral.

Nagpasalamat din ang pamahalaang bayan sa suporta ni Congressman Atty. Roy M. Loyola, Governor Abeng Remulla, at iba pang katuwang sa pagtatayo ng mga karagdagang pasilidad sa mga paaralan.

Layunin ng programa na matugunan ang kakulangan sa silid-aralan at maisakatuparan ang hangaring “No Shifting Classes” para sa mas maayos na edukasyon ng mga mag-aaral sa Silang.

Courtesy: Cavite Connect

Photo credits: Mayor Gen Ted Carranza/Facebook


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading