MAYNILA — Bumaba ang bilang ng mga pamilyang Pilipinong itinuturing ang kanilang sarili na mahirap sa ikalawang quarter ng 2026, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Batay sa survey na isinagawa noong Hunyo 20 hanggang 29, 49 porsiyento ng mga respondent ang nagsabing mahirap ang kanilang pamilya, mas mababa kumpara sa 52 porsiyento noong Marso. Katumbas ito ng pagbaba mula 14.5 milyong pamilya tungo sa 13.6 milyong pamilya.
Samantala, tumaas sa 37 porsiyento ang bilang ng mga nagsabing hindi sila mahirap, mula sa 35 porsiyento noong nakaraang survey.
Bumaba rin ang self-rated food poverty sa 36 porsiyento mula sa 42 porsiyento noong Marso, indikasyon na mas kaunti ang mga pamilyang nagsasabing kulang ang kanilang pagkain.
Gayunman, nananatiling pinakamataas ang antas ng self-rated poverty sa Mindanao at Visayas kumpara sa ibang bahagi ng bansa.
Ang survey ay isinagawa sa 1,200 respondent at may margin of error na ±3 porsiyento. #RPB
PHOTO CREDIT: CNN Philippines
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply