MANILA — Aksyon agad ang isinagawa ng Land Transportation Office (LTO) laban sa isang taxi driver na inireklamong naningil umano ng ₱2,000 sa isang dayuhang vlogger.
Ayon sa dayuhang vlogger na si Van Boys, siningil siya ng ₱2,000 mula sa airport patungo sa kanyang destinasyon.
Aniya, wala pang limang minuto ang biyahe nang singilin siya ng ganoon kalaking halaga. Mabuti na lamang at nakapag-video siya agad kung saan iniabot niya ang mahigit P100 sa diumano’y scammer na driver. Agad naman din siyang nagtanong sa mga taong nakasalamuha pagkababa ng taxi na siya umano’y na-scam sa kanyang sinakyang taxi.
Naganap ang insidenteng ito noong nakaraang linggo, Agosto 6, 2026 na kumalat online ang aktuwal na video ng insidente, na naging dahilan upang agad itong maaksyunan ng LTO sa pangunguna ni LTO Chief Asec. Markus Lacanilao.
Ayon sa LTO, walang puwang ang panloloko at pang-aabuso sa mga pasahero. Patuloy nitong paiigtingin ang kampanya laban sa mga abusadong motorista upang mapanatili ang kaligtasan at tiwala ng publiko sa pampublikong transportasyon. #RPB
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply