AKLAN — Arestado sa Aklan ang isang 30-anyos na construction worker na itinuturing na most wanted person sa Cavite matapos ang pinaigting na manhunt operation ng Police Regional Office 6.
Naaresto ang suspek noong Agosto 17 sa Barangay Santander, Buruanga, Aklan.
Nahaharap siya sa dalawang bilang ng kasong statutory acts of lasciviousness, na may kabuuang inirekomendang piyansang ₱360,000.
Samantala, dalawa pang wanted person ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Capiz, kabilang ang isang suspek sa kasong homicide at isa naman sa kasong attempted murder.
Sa kabuuan, 151 wanted person ang naaresto o kusang sumuko sa pinaigting na operasyon ng PRO-6 sa unang kalahati ng Agosto. #RPB
Source: The Manila Times
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply