Viral sa social media ang isang video matapos mag-post ang eventorganizers tungkol sa hindi inaasahang pangyayari sa kasal na itinakda sana mangyari sa Cagayan de Oro kamakailan.
Ayon sa event organizers, tatlong oras matapos ang itinakdang oras ng kasal, hindi dumating ang mga bisita, ang magkasintahan, at ang judge na magsasagawa ng seremonya.
Sa kabila ng mga pagkaantala, ipinakilala ng isang nagpakilalang bride ang sarili sa event organizer at inilahad ang kanyang koneksyon sa ilang kilalang tao, kabilang na ang mga sikat na vlogger at diumano kamag-anak daw siya ng isang kilalang politiko sa Davao na dadalo sa kanyang kasal. Dahil sa tila makatotohanang mga pahayag at ang kanyang koneksyon sa mga “bigating” tao, nakumbinsi niya ang organizer na ituloy ang kasal.
Ngunit habang isinasagawa ang mga paghahanda, napansin ng mga kaibigan ng groom ang hindi komportableng galaw nito at tila ba ito’y balisa. Dahil sa inaasal ng groom na hindi makausap, doon na raw sinabuyan ng asin ng asawa ng kaibigan ng groom. Dito nabisto ng lahat na nasa ilalim ng gayuma ang groom. Hindi batid ng groom na siya pala ay ikakasal, at nagulat na lang daw siya sa mga pangyayari. Doon na nakausap ng normal ang groom.
Lalo pang naging komplikado ang sitwasyon nang dumating ang pulisya at natuklasang may utang na P500,000 ang bride para sa mga serbisyong ipinagkaloob ng mga supplier ng kasal, kabilang na ang pagkain, make-up, at dekorasyon.
Sa kabila ng mga ito, hindi pa rin ito nagbayad, na nagbigay daan sa mga reklamo at pagdakip sa bride. Hindi na rin natuloy ang pekeng kasal. Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon sa kaso ng bride, na nahaharap sa mga akusasyon ng panggugulo at panlilinlang. #RBM
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.














Leave a Reply