Umani ng paghanga sa social media ang 69-anyos na si Lola Lolita Escal matapos mag-viral ang kanyang larawan habang kumukuha ng college entrance examination, patunay na hindi hadlang ang edad sa pag-abot ng mga pangarap.


Nagsimula ang kanyang paglalakbay sa edukasyon noong 2019 nang mag-enroll siya bilang learner ng Alternative Learning System (ALS).
Sa kabila ng kanyang edad, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral hanggang makatapos ng Senior High School. Dahil sa kanyang determinasyon, nagawa niyang maipagpatuloy ang edukasyon sa kolehiyo at kasalukuyang nasa ikatlong taon ng kursong Bachelor of Arts in Journalism sa University of Rizal System sa Angono.
Ayon sa mga netizen, nagsisilbing inspirasyon si Lola Lolita sa mga kabataan at maging sa mga matatanda na nawalan ng pagkakataong makapag-aral.
Ipinakita niya na walang pinipiling edad ang pagkatuto at hindi kailanman huli ang lahat para magsimula muli.
Ang kanyang kuwento ay nagsisilbing paalala na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at pananalig sa sarili, anumang pangarap ay maaaring maabot anuman ang edad. #RPB
Source: DepEd Philippines
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply