Advertisement

GANTSILYO NI LOLA: 80 anyos na Lola, Naggagantsilyo kahit Bulag

Sakabila nang katandaan at pagiging bulag ni lola Pendang, 80 anyos, hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan para gawin ang mga bagay na gusto pa niyang ipamalas sa lahat at makapagbahagi ng kanyang mga ginagantsilyo na mga magagamit sa loob ng bahay o personal use na mga nilikha niya na crochet items.

Sa nakalap na impormasyon mula sa kaniyang apo na si Mikko Kim Argudo, libangan na ng kanilang lola ang paggawa ng mga crochet items/stuffs gaya ng simpleng paggawa ng patungan ng tasa para sa mainit na tsaa, paggawa ng pitaka, mga iba’t ibang disenyo ng sapin para sa lamisita, at nagawa rin ng lagayan ng cellphone at marami pang iba.

Bagay na kinatutuwa ng kanilang mag-anak at ng mga nakakakita nito sa kanilang lugar.

https://web.facebook.com/mikkopoot/posts/4078963282154047

Aniya, mahigit 20 taon nang bulag ang kaniyang lola ngunit kailanman ay hindi nila ito nakitaan ng pananawa sa buhay, kahit na hindi na niya nakikita ang liwanag sa paligid ay maliwanag pa naman ang pag-iisip ni lola upang magpatuloy sa pagharap sa buhay at kumita.

Ayon sa kaniyang apo na si Mikko, ang mga nagagawa ni lola na gantsilyo at banig ay dulot ng katuwaan niya sa kaniyang mga anak at apo na nagbibigay sa kanya ng mga kagamitan upang makalikha ng wallet, butsaka, panapin, lagayan ng cellphone at laptop at ganun na din po ang mga banig na yari sa buli.

Patunay lamang si Lola Pen na sakabila nang kaniyang katandaan at kapansanan ay masaya pa rin niyang hinaharap ang buhay at umaasa na sana ay matapos na ang pandemya sa buong mundo na nagpapahirap din sa mga matatanda na nagiging dahilan ng panghihina ng kanilang katawan. Saludo po ako sa inyo, Lola Pen! #RBM

[DISCLAIMER: Posted on 9 April 2021 in Diyaryo Milenyo website written by Rex B. Molines]


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading