Advertisement

31 Barangay sa Bulacan Binaha; 970 Residente Inilikas

Umabot sa 31 barangay sa Bulacan ang binaha dahil sa patuloy na pag-ulan, habang 283 pamilya o 970 indibiduwal ang inilikas sa 45 evacuation center sa 11 lokal na pamahalaan.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Manuel Lukban Jr., nasa isa hanggang apat na talampakan ang taas ng baha sa mga apektadong lugar.

Kabilang sa mga binaha ang isang barangay sa Balagtas, tatlo sa Marilao, apat sa Pandi, at 23 sa Malolos.

Inilikas ang mga residente sa mga evacuation center sa Malolos, Baliwag, Bulakan, Calumpit, Hagonoy, Pulilan, San Rafael, Marilao, Bocaue, Pandi at Guiguinto.

Sinuspinde rin ni Bulacan Gov. Daniel Fernando ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan.

Samantala, tiniyak ni Bulacan police director Col. Jay Baybayan na nakahanda ang mga tauhan ng pulisya, katuwang ang iba pang ahensya at lokal na pamahalaan, para sa rescue at emergency response sa mga binahang komunidad.

Ayon naman sa Central Luzon Police Office, nasa 132 barangay sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales ang binaha.

Hindi rin madaanan ang walong kalsada sa Bulacan at isang kalsada sa Pampanga, habang isang tulay sa Bulacan ang isinara dahil sa pagbaha. #RPB

Source: Philstar


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading