Mainit na sinalubong ng mga taga-suporta ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas si Senatorial candidate Rep. Camille Villar sa campaign rally nitong Biyernes, Pebrero 28 sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Kasama ang iba pang Alyansa senatorial bets, inilatag nila ang kanilang mga polisiya at plano para sa mamamayan ng Bulacan.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Villar ang kahalagahan ng transportasyon at imprastruktura sa Bulacan, tulad ng MRT-7, bilang susi sa pagpapabuti ng interconnectivity, produktibidad, at paglikha ng trabaho.
“Nakikita naman natin with the MRT-7 na pag napaganda natin ‘yong interconnectivity at pag may bayan ay nagkakaroon ng increase in output productivity and increase sa trabaho and dito rin makikita natin sana magkaroon ng murang pabahay at better homes sa mga kababayan natin dito sa San Jose Del Monte,” pahayag ni Camille Villar sa ginanap na Alyansa Press Conference sa Bulacan.
“So, ito ang isang Magandang halimbawa ng development ng siyudad that is purged on economic development so ang gusto natin dito is mas i-prepare ‘yong mga tiga-San Jose del Monte for more jobs, better jobs, better infrastructure and a very good housing program.” Dagdag pa ni Villar.
Tinututukan din ng Alyansa ang mga isyu ng mabuting pamamahala, pagpapalago ng ekonomiya, at pagkakapantay-pantay.
Ang Bulacan ay may 2,173,026 na rehistradong botante, at patuloy na isinusulong ng koalisyon ang mga planong magbibigay benepisyo para sa lahat. ##
PHOTO from Caloocan City
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply