Naghain si Senador Mark Villar ng Senate Resolution No. 527 na humihiling ng imbestigasyon sa sunod-sunod na pag-atake laban sa mga TNVS rider, kabilang ang pagkasawi ng isang rider sa Cavite at pananaksak sa isa pa sa Caloocan.
Ayon kay Villar, layunin ng imbestigasyon na makabuo ng mga batas at polisiya para mapalakas ang seguridad ng mga rider at pasahero, kabilang ang mas mahigpit na passenger identity verification, real-time trip monitoring, in-app emergency features, at mas mahusay na koordinasyon ng ride-hailing companies at mga awtoridad.
“Hindi natin maaaring hayaang dumami pa ang mga karumal-dumal na insidente laban sa ating mga TNVS riders. Dapat magkaroon sila ng mas matibay na proteksyon at mas mahigpit na mga hakbang sa seguridad,” ani Villar.
Hinimok din ng senador ang mga awtoridad na tiyaking mapanagot ang mga responsable sa mga naganap na krimen laban sa mga TNVS rider.
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply