Hulyo 26, 2025 — Nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad na sertipikahang “urgent” ang panukalang dagdag na ₱200 sa arawang sahod ng mga manggagawa, ilang araw bago ang kanyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 28.
Ayon sa TUCP, milyon-milyong manggagawang Pilipino ang umaasa sa kongkretong aksyon mula sa pamahalaan ukol sa sahod, lalo na’t nabigo ang Kongreso na maipasa ang naturang panukala bago ang recess.
“Mr. President, they are desperately looking for a beacon of hope. That hope lies in your swift certification of the P200 legislated daily minimum wage hike as urgent,” pahayag ni TUCP Party-list Representative Raymond Democrito Mendoza.
Dagdag ng unyon, hindi na sapat ang kasalukuyang minimum wage upang matustusan ang araw-araw na pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino lalo na sa gitna ng mataas na presyo ng bilihin at serbisyo. Binigyang-diin ng TUCP na ang agarang pagkilos ng Pangulo ay magbibigay ng pag-asa at ginhawa sa mga manggagawang matagal nang naghihintay ng pagbabago.
Wala pang pahayag ang Malacañang ukol sa panawagang ito. ##
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply