Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), umabot na sa 70% o 29,000 mula sa kabuuang 42,002 barangay sa bansa ang idineklarang “drug-free” sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang mga barangay na ito ay nakamit ang “drug-cleared” status matapos sumailalim sa masusing proseso ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) at ang pag-apruba ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC).
Gayunpaman, patuloy na may 14.55% ng mga barangay sa bansa ang nananatiling “drug-affected” habang 14.71% pa rin ang naiulat na may mga problema sa illegal na droga.
Samantala, may 0.76% ng mga barangay ang itinuturing na “drug-unaffected,” na nangangahulugang hindi pa natutukoy na mayroong illegal drug activities sa kanilang nasasakupan. #RBM
News Source: Philippine News Agency
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply