TUBLAY, BENGUET — Bulto-bultong Chinese cabbage at carrots ang itinapon sa gilid ng Labey-Lacamen Road dahil sa bagsak na presyo at kakulangan ng bumibili sa mga ani ng magsasaka.
Ayon sa ilang magsasaka, mas pinili na lamang nilang itapon ang mga gulay kaysa gumastos pa sa transportasyon patungo sa trading centers sa La Trinidad na maaari pang magdulot ng dagdag na pagkalugi.
Patuloy na nananawagan ang mga magsasaka ng suporta at solusyon upang hindi masayang ang kanilang ani at maprotektahan ang kanilang kabuhayan. #RPB
Photo credits: PIA Benguet
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply