LEVISTE, HINARAP ANG NBI SA PROBE SA UMANO’Y PLOT LABAN KAY RECTO
MANILA — Humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) ang abogado ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste nitong Martes kaugnay ng subpoena na inilabas sa mambabatas sa imbestigasyon sa umano’y planong pag-atake kay Executive Secretary Ralph Recto.
Naunang ipinatawag ng NBI sina Leviste at dating presidential adviser Jacinto “Jing” Paras matapos silang iugnay sa umano’y “honeytrap” plot, kung saan sinasabing may mga babaeng inupahan upang magbato ng mga alegasyon laban kay Recto.
Ayon kay lawyer Gabrielle Rondain-Kapunan, ginamit ni Leviste ang kaniyang karapatang manahimik sa naturang imbestigasyon.
Iginiit din ng abogado na itinanggi ni Leviste ang anumang pagkakasangkot sa umano’y plano.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng NBI upang matukoy ang katotohanan sa likod ng mga alegasyon at kung may sapat na ebidensiyang mag-uugnay sa mga sinasabing sangkot.
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply