Isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Martes sa Senado at Kamara ang P7.2-trilyong National Expenditure Program (NEP) para sa 2027.
Tinanggap nina Senate President Sherwin Gatchalian, Senate Finance Committee Chairman Sen. Joseph Victor Ejercito, at Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang kopya ng panukalang pambansang budget.
Pinangunahan ni Acting Budget Secretary Kim Robert De Leon ang turnover, kasama si Presidential Legislative Liaison Office Secretary Joey Sarte Salceda at iba pang opisyal ng DBM.
Nakatuon ang panukalang budget sa edukasyon, kalusugan, social protection, food security, imprastraktura, trabaho, digitalization at disaster resilience.
Pinakamalaki ang bahagi ng Social Services na may P2.456 trilyon. Nangunguna naman sa mga prayoridad ang edukasyon, na may panukalang P976 bilyon para sa Department of Education.
Kabilang din sa may malalaking alokasyon ang Public Works (P644 bilyon), Health (P353.8 bilyon), Interior and Local Government (P332.5 bilyon), Defense (P328.8 bilyon), Transportation (P302.2 bilyon), Agriculture (P261.7 bilyon), Social Welfare (P241.6 bilyon), Higher Education (P176.5 bilyon), at Judiciary (P86.3 bilyon).
Mas mataas ng P407 bilyon o anim na porsyento ang panukalang 2027 budget kumpara sa P6.793-trilyong pambansang budget para sa 2026.
Samantala, tiniyak ni House Speaker Faustino Dy 3rd na sasailalim sa masusing pagsusuri ang panukalang budget upang matiyak na bawat pisong ilalaan ng gobyerno ay mapapakinabangan ng mga Pilipino.
Ayon kay Dy, hindi lamang halaga ng pondo ang dapat tingnan kundi kung paano ito gagamitin at kung ano ang konkretong resulta nito para sa publiko. #RPB
Source: The Manila Times
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply