MAYNILA — Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Senate Bill No. 1511 o Anti-Hospital Detention Bill, na naglalayong protektahan ang mga pasyente laban sa pagpigil sa ospital dahil sa hindi pa nababayarang hospital bills.
Ayon kay Sen. Win Gatchalian, mahalaga ang panukala upang matiyak na hindi magiging dahilan ang kakulangan sa pambayad para hadlangan ang karapatan ng pasyente na makalabas ng ospital.
Layunin ng panukala na palakasin ang proteksiyon sa mga pasyente at kanilang pamilya, partikular sa mga nahaharap sa mabigat na gastusing medikal.
Sa ilalim ng panukala, hindi dapat ikulong o pigilan ang pasyente sa ospital dahil lamang sa hindi pa nababayarang bayarin. Sa halip, dapat bigyan ng makatao at naaangkop na paraan ang mga pasyente at pamilya upang maayos ang kanilang obligasyong medikal.
Inaasahang makatutulong ang panukala upang mapangalagaan ang karapatan ng mga Pilipino sa kalusugan at makataong pagtrato habang tinutugunan ang problema sa hospital bills.
Photo credits: Sen. Win Gatchalian/Facebook
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply