CAVITE — Sinimulan na noong Agosto 9, 2026 ang pangongolekta ng toll fee sa 7.88-kilometrong Subsection 3 ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) na nag-uugnay sa Silang (Aguinaldo) Interchange at Governor’s Drive sa General Trias, Cavite.
Matapos ang tatlong buwang toll-free period, itinakda ng Toll Regulatory Board ang bagong singil na ₱35 para sa Class 1, ₱70 para sa Class 2 at ₱106 para sa Class 3 na sasakyan.
Samantala, ang end-to-end travel mula Governor’s Drive hanggang Greenfield Exit sa Biñan, Laguna ay nagkakahalaga ng ₱117 para sa Class 1, ₱234 para sa Class 2 at ₱351 para sa Class 3.
Halos 9,000 motorista kada araw ang gumamit sa bagong bahagi ng CALAX habang libre pa ito.
Sa pagbubukas ng toll collection, umabot na sa 26 kilometro ang tollable length ng CALAX, na inaasahang makatutulong sa pagpapabawas ng trapiko at pagpapabilis ng biyahe sa pagitan ng Cavite at Laguna.
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply