Manila, Philippines — Inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bago at limitado nitong P750 silver non-circulation commemorative coin, na bahagi ng ika-75 Anibersaryo ng BSP nitong Biyernes, Agosto 30, 2024.
Sa ipinoste ng BSP sa kanilang opisyal Facebook page, inanunsyo ng BSP na ang naturang commemorative coin ay mabibili simula ngayong Lunes, Setyembre 2, 2024 sa ganap na 1:00 ng hapon.
Mabibili ang naturang coin sa halagang P7,500 na nakalagay sa acrylic packaging. At ang coin na nasa special wooden packaging ay mabibili sa halagang P8,200.
May sukat na 38.6mm ang non-circulation coin at ito ay hinubog sa pilak o silver.
Makikita sa obverse side display nito ang larawan ng Intendencia o ang Aduana building na makikita sa Intramuros, Manila, kung saan ito ang orihinal na headquarters ng Central Bank of the Philippines.
Sa reverse side nito ay makikita ang year “1949,” na may 75th Anniversary logo at inscription na “CELEBRATING 75 YEARS OF CENTRAL BANKING IN THE PHILIPPINES,” BSP Seal, at ang kasalukuyang taong “2024.”
Narito ang detalye ng commemorative coin.
Material: 99.9% Silver
Weight: 1 troy ounce
Diameter: 38.6 mm
Price in acrylic packaging: ₱7,500.00
Price in special wooden packaging: ₱8,200.00
To order, visit: https://bspstore.bsp.gov.ph

Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply