Advertisement

Padre sa Rosario Cavite, Nawawala

[Ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE: Kasalukuyang ipinapanawagan ngayon ang nawawalang pari na si Rev. Fr. Leoben Octavo Peregrino ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Most Holy Rosary – Reina de Caracol.

Si Fr. Perigrino ay umalis ng kumbento noong April 1, 2022 ganap na alas-9:30 ng umaga. Nakita pa siyang nagpa-gas sa Petron Station gamit ang sasakyang Mitsubishi Adventure ng kulay puti na may plakang VES 470 malapit sa SM Rosario humigit-kumulang alas-11:30 ng umaga.

Muli siyang nakita sa Robinsons Gen.Tri palabas ng pintuan. Mula noon ay hindi na muling nakita si Fr. Perigrino.

Huli siyan nakita na nakasuot ng kulay violet na t-shirt at maong na pants. Sa nakakaalam at nakakita kay Fr. Perigrino ipagbigay alam lang po sa numerong ito, 09178039253 at (046) 438-1785.


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading