
Ngayong buwan ay dinalaw ng Hataw Padyak ang mga lolo at lola sa Tahanang Balik-Alay na matatagpuan sa Taytay, Rizal.
Ang sektor ng mga nakatatanda ang isa sa mga itinuturing na pundasyon ng ating kasalukuyang panahon. Ngunit isa rin sila sa mga nangangailangan ng suporta mula sa ating gobyerno, kanilang pamilya o maging sa suporta ng mga pribadong sektor lalo na ang nasa mga home for the aged.Kaya’t kahit ngayong may pandemya ay minarapat pa rin ng iba’t ibang grupo na kasapi ng Hataw Padyak na maghatid ng tulong sa kanila nitong Linggo (Agosto 23), habang ikinukonsidera ang mga health protocols sa ilalim ng umiiral na quarantine ukol sa COVID-19.
Ang amin pong buong pusong pasasalamat mga kapadyak!Sa katunayan, ang lahat ng mga siklista na nakibahagi sa proyektong ito ay pawang boluntaryo lamang. Wala pong pinilit o anumang kapalit ang kanilang mga tulong na iniabot.
Sinisiguro din ng pamunuan ng Hataw Padyak na lahat ng patakaran ng IATF ay nasusunod lalo na pagdating sa social gathering, physical distancing, body temperature check, hand sanitation at pagsusuot ng facemask.
Ang bawat grupo ay may kanya-kanyang oras ng pagdating at pag-alis sa lugar na pinagdausan ng activity.
Hindi hihigit sa 10% ang bilang ng mga tao sa naturang lugar ayon na rin sa nakasaad sa quarantine guidelines ng pamahalaan.
United Valenzuela Cycling Group
UE Potrero Bikers Club
Pedal Buddies Bikers
Metrix Maysilo Bikers
Hayahay Bikers
UE Caloocan Cycling Group
Valenzuela Global Cycling Club
Tinajeros Alliance Cycling Club
Zero KM Bikers Club
(Article by REX B. MOLINES, submitted to Pilipino Positibo)
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply