PARAÑAQUE CITY — Isang emosyonal na pagtatagpo ang naganap sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) matapos muling magkita ang mag-ama na mahigit 20 taon nang magkahiwalay.
Ayon kay Jinky Partolan, anak at video uploader, araw-araw siyang bumibiyahe mula Cavite patungong PITX ngunit hindi niya inakalang doon niya muling makikita ang kanyang ama. Agad niya itong nakilala at nauwi sa emosyonal na pagkikita ang kanilang pagtatagpo.
Sanggol pa lamang si Jinky nang huli niyang makasama ang kanyang ama, kaya sa mga lumang larawan lamang niya ito nakikilala. Noong 2025, nagkaroon sila ng pagkakataong mag-video call bago tuluyang nagkita nang personal.
Ibinahagi ni Jinky na matagal na niyang pangarap na makasama muli ang kanyang ama at umaasa siyang masusundan pa ang kanilang pagkikita upang makabawi sa mahigit dalawang dekadang pagkakawalay. #RPB
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply